Linggo, Disyembre 29, 2013

yehey !! wala si maam :) Charoot :*

     Wala ang aming pinakamamahal na guro na si Gng; Mixto :)) ngunit ang pumalit sa kanya para magturo sa amin ay si Ginoong; Mixto ang kanyang pinaka pogee asawa (charot!) ahaha, mamimiss tuloy namin si maam :( (wehh? totoo ba yan ?). siya nga pala ! kahit wala si maam ay tuloy parin naming tinalakay ang akdang "Sinag sa Karimlan" tinanaong kami ni Sir kung ano-ano ang mga kontrobersyal na mga pangyayari sa akdang ito. naging masaya ang aming talakayan kasama si Sir. Mixto. hahaha ang saya ! like! like! like!

Iba't-ibang diyalekto :)

        Nasa bago na naman agad! kaming aralin ang "Sinag sa Karimlan na akda ni: Dionisio Salazar"
nung bago pa man namin natalakay ang ang akdang ito, nung piniprint ko pa lang ang akdang ito, nabasa ko baket parang hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga tauhan? nung malaman ko na ngayon namulat na ko, kaya pala ganun ang mga salita ng mga tauhan, dahil sa iba't-iba rin ang mga pinanggalingan nilang lugar dito sa pilipinas, sa maikling salita nagtataglay sila ng iba't-bang diyalekto. katulad ni isa na naggaling pa sa pampanga kaya kapampangan ang pananalita niya.

       
    Dumako na tayo sa pinaka mahalaga, kung ano nga ba talaga ang ipinaparating ng kuwento? isa nga itong kuwento ng mga magkakaibigan kung saan napingit sila sa kulungan sa iba't-ibang kasalanan na kanilang pinagbabayaran, para sa mga tauhan yun na ang kanilang katapusan, kumbaga kumakapa na sila sa dilim, ngunit liwanag namang nakatago upang magkaroon sila ng pag-asa sa buhay.

      marami pang tinalakay ang aming guro patungkol dito kaya nga naman buong-buo ang pagkaunawa ko sa akda. hahaha!! medyo nakakapagod pero, masaya(Halata ba??) :))
.

Tata selong Chubby :))

     Oo tama ! bago na nga nanaman ang aralin namin sa asignaturang Filipino :] at isa nanamang akda na aming tatalakayin at palalawakin :8 ang akda ay pinamagatang : "Tata Selo ni: Rogelio Sikat". Ang grupo namin ang nag ulat nito sa paraan ng isang maikli("maikling") dula(Maikli daw?!). ang totoo talaga medyo mahaba ang nagawa naming dula para sa akdang ito dahil hindi kami ganoong kahanda sa pag pepresent nito pero naging masaya dahil medyo naging katatawanan ang aming presentasyon, nagpatawa ako ng konti at ang bida sa aming dula bilang "Tata Selo" ay si Romulo Tatac ang chubby niya kase parang hinde bagay na maging tata selo!(Parang hinde naman kita sa kanya ang pagkahirap, everyday busog ang tingin ko.) gayunpaman na naisadula naman namin ito ng maganda at maayos yun lamang kasi mahaba :)

 yun nga ! dahil sa maikli lamang ang akdang ito, maikli lang din na naipaliwanag ng aming guro ang akda, isa pa mas madali lang niyang nabigay o natalakay kung anong teorya ang nakapaloob sa akda, yun nga ang teoryang Dekonstruksyon. pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro na; gumawa ng islogan patungkol sa mga pangyayari sa akda.

Sabado, Disyembre 28, 2013

ano ba talaga??

     Tinalakay na nga namin kung anong teorya ang nakapaloob sa Akdang "Mabangis na Lungsod" yun nga ang teoryang Naturalismo. tinalakay narin naman ang isang pangyayari sa kuwento patungkol sa pangunahing tauhan na si ADONG. dahil pinagtatalunan namin siya kung namatay ba siya o nahimatay lamang? pero para sakin  namatay si adong, dahil sa pahayag na nakasaad sa kuwento.

Biyernes, Disyembre 27, 2013

Late??

     nahuli si Gng; Mixto ng dating sa oras niya sa amin, bagama't nahuli siya alam namin kung bakit dahil hindi ganoong magkakalapit ang silid arala ang papasukan niya, katulad sa amin tatawid pa siya sa court dahil gusali ang pagitan ng room namin sa tinuturuan niya bago kami.

     Dahil nga nahuli si maam, medyo kinain ang oras kaya hindi ganon kahaba ang talakayan namin, kaya binigyan na lamang kami ng kaunting kaalaman patungkol sa mga parirala,pagkatapos ay pinabaunan niya kami ng takdang aralin na alamin ang teoryang nakapaloob sa akdang "Mabangis na Lungsod."

Ang Bangis :]

      Ayon na nga nasa bago nanaman kaming aralin na pinamagatang "Mabangis na Lungsod". binasa namin ito, at inunawang maigi, sa lalo pa itong pina lawak ng aming guro para mas lalo naming malaman kung ano ba ang tunay na diwa o kahulugan ng kuwento, pero maya-maya ay may biglang pinatawag ang aming pinaka mamahal na guro(anyare?? like3x). pagka-alis niya ito namang iba kong kamag-aral, agad na nag puputak sa kaingayan(haaaayyyy!! nakaka stress ng very well aga ko tatanda). kaya naki join nalang ako(keme).

      Dumating ng muli si maam, biglang tahimik(parang nasa langit). hahaha ! eh, may iniwan si maam na gawain bago nga pala siya umalis, edi, nag wasto na kame, at pagkatapos, muli na naming tinalakay ang mabangis na Lungsod (rawr :/)

Sa Wakas :*

        Nag wasto kami ng aming isinulat na sanaysay patungkol sa pag-iwas sa pagsusugal. at muli kaming nagkaroon ng pagsusulit patungkol sa akdang Sa pula sa puti. naging masaya at maayos naman ang pagsusulit at pagwawasto, medyo kalog si ma'am sa araw na 'to :)) like like like na naman :)) hahaha
yun sa wajas lilipat na kami sa panibagong aralin, kaya nga binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro. isang maikling kuwento na pinamagatang "Mabangis na lungsod ni: Efren Abueg" . parang sa unang basa ko pa lamang ng pamagat ng akda ay, na nahuhumaling akong basahin ito, kaya nga naman pag-uwe ko'y babasahin kong maigi ang Mabangis na Lungsod (weehh?!! di nga sure?) :))

YolandA? LuPet frenD ;)

  Gravacious ! war war lang ang pes ng tacloban, sa hagupit bagyong Yolanda. alam mo un? nakaka awa ang mga taong naninirahan sa lugar na to. siya nga pala dahil kay #yolanda nawalan rin kame ng pasok, mahuhuli din nanaman sa aralin. ang marapat na lamang nating gawin ay mag dasal para sa mga taong natakot,nahirapan at higit sa lahat yung mga taong naulila.

    kaya #TulongnaTabangnaTayona ! !

wayyy! Anyare?

    Ngayon araw ay nagkariin kami ng talakayan patungkol parin sa akdang sa pula sa puti, ang naiba lang naka pokus kami sa mga pangunahing tauhan na sina cieling at kulas, tinalakay namin ang namamagitan sa kanilang dalawa at tinanong din kami kung kami ang nasa katayuan ng mga nasabing tauhan. dahil nga patungkol sa pagsusugal ang dula, pinagawa kami ni Gng; Mixto ng sanaysay patungkol sa pag iwas sa pag susugal, ano ang mga hakbang para hindi mawili sa pagsusugal ang isang tao, sa masining na pamamaraan namin ito ginawa.

    Ang iba ginawang katatawanan, ang iba sa pormal naman, ako ang ginawa ko, dahil sa magaling naman akong magpatawa, sa aspetong pagpapatawa ko ginawa ang aking sanaysay.

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Balik Aral?

    Ngayong Araw ay nagbalik aral lamang kami sa aming bagong aralin na, Sa pula sa Puti, nagkaroon kami ng pagsusulit patungkol dito na matatalinhagang salita ang nakapaloob. pagkatapos ay nag paskil ang aming guro ng mga tauhan sa nasabing dula. bawat tauhan ay bibigyan ng kahulugan ng bawat pangkat.

FreSh From SembreAK :))

    isang linggong bakasyon ! (masyadong nababad) pati tuloy mga utak ng kaklase ko nasa bakasyon pa :))
siya nga pala, masaya naman (konti lang :( ) balik aral na naman kami, Banaag at Sikat ni: Lope k Santos ang muli naming tinalakay. pagkatapos ay nagpaskil si maam ng mga larawan ang unag larawan ay isang uri ng laro sa CASINO ang pangalawa ay isang SABUNGAN na sa tingin ko na hudyat sa bagong aralin, na pinamagatang Sa pula sa Puti..


Lagnat ng Very Well :)

         Ngayong araw ay lumiban ako sa klase sapagkat may lagnat po ako, pero ang alam ko na ginawa ng aking kamag-aral sa oras ng filipino ay, pinagawa sila ng liham patungkol sa pagbibigay mensahe sa kanilang mga magulang.

         Mahirap magka lagnat bakit? syempre masakit sa ulo nakakapanghina, at bilang isang mag-aaral ang mahuhuli sa mga talakayan ninyo. kaya sa mga #tamad (naka hashtag talaga?) pilitin n inyong mag-aral ng mabuti. dahil "Edukasyon ang susi sa Kaunlaran." yah right! like! like! like!

Xerox? Xerox?!

       Napkasaya ng araw na ito sapagkat binigyan kami ng aming guro ng pagsusulit patungkol sa akdang "Luha" na aming tinalakay. lalo pang nagpasaya sa akin ay ang pagbabasa ni ma'am ng napaka bilis ang mga katanungan sa aming pagsusulit, para bang hinahabol siya ng kabayo? haha keme lang.

      pagkatapos ng maikling pagsusulit, tinalakay ng unagang aming bagong aralin o ang bagong akdang pinamagatang "Banaag at sikat" ni: Lope K. Santos. nakapaloob sa akdang ito ang teoryang eksistensyalismo sapagkat, tumatalakay ito sa buhay at paninnindigan ng tauhan. 

       binigyan kami ng pangkatang gawain ng aming guro, Dahil nga sa kulang na kame sa oras ay ipagpapatuloy nalang namin ito bukas, bukod sa makakapag handa kame ng maayos, ay mapag iisipan pa namin ng mabuti ang mga gagawin namin dito.

..........♥..........

Maingay? Konti LanG ?!

        Ngayong araw sa oras ng Filipino, wala ang aming pinaka mamahal na guro na si Gng; Mixto sapagkat siya'y may pinuntahan na meeting o DSPC kung kanyang tawagin. dahil dito medyo naging magulo kame dahil wala na naman si Mam. kaya naman "naimbyerla" na naman ang aming presidenteng si ate Vangie Provido. ang ginawa ko lamang sa oras na iyon ay ang magbasa ng kung ano-ano at ayusin ang aking mga gamit sa bag, sapgkat napaka gulo na.

..........♥..........

Ramadan :*

         Ngayong araw ay walang pasok sapagkat ipinagdiriwang ng mga muslim ang "Ramadan". 

         medyo naging masaya naman ako sa araw na ito kahit na walang pasok. dahil kahit isang araw manlang ay makapagpahinga ako. Thank you Lord !

..........♥..........


                                                           


Unang Blog ko :)

                  Nakakapanghinang araw sapagkat nabasa sa ulan ang amin sanang Proyekto sa asignaturang Filipino, kaya ang napag pasyahan na lamang ng aming gurong si Gng; Mixto'y gumawa na lamang ng blog para mag karoon kami ng proyekto. ngunit, wala pa akong malawak na kaalaman dito kaya sa tingin ko magiging basura lang ito sa mga mambabasa.

            Tinalakay namin ang tulang pinamagatang "Luha" ni: Rufino Alejandro.  maliit na panahon lamang ang ginugol namin sa akdang ito.



...........♥..........