Linggo, Disyembre 29, 2013

Tata selong Chubby :))

     Oo tama ! bago na nga nanaman ang aralin namin sa asignaturang Filipino :] at isa nanamang akda na aming tatalakayin at palalawakin :8 ang akda ay pinamagatang : "Tata Selo ni: Rogelio Sikat". Ang grupo namin ang nag ulat nito sa paraan ng isang maikli("maikling") dula(Maikli daw?!). ang totoo talaga medyo mahaba ang nagawa naming dula para sa akdang ito dahil hindi kami ganoong kahanda sa pag pepresent nito pero naging masaya dahil medyo naging katatawanan ang aming presentasyon, nagpatawa ako ng konti at ang bida sa aming dula bilang "Tata Selo" ay si Romulo Tatac ang chubby niya kase parang hinde bagay na maging tata selo!(Parang hinde naman kita sa kanya ang pagkahirap, everyday busog ang tingin ko.) gayunpaman na naisadula naman namin ito ng maganda at maayos yun lamang kasi mahaba :)

 yun nga ! dahil sa maikli lamang ang akdang ito, maikli lang din na naipaliwanag ng aming guro ang akda, isa pa mas madali lang niyang nabigay o natalakay kung anong teorya ang nakapaloob sa akda, yun nga ang teoryang Dekonstruksyon. pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro na; gumawa ng islogan patungkol sa mga pangyayari sa akda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento