Lunes, Enero 20, 2014

Waley si Maam :]

     Ngayong araw ay wala ang Aming pinakamamahal na guro sa asignaturang Filipino na si Gng; Mixto pati na rin ang kanyang pinakamamahal na asawang si Ginoong; Mixto kaya naman, ang pumalit muna sa kanila ay si Sir Lawrence Ferrer (Kala niyo ligtas? hinde!). Hindi naman ako natatakot kay sir (Matapang2x.) kasi alam kong kalog din siya :) hahaha. hindi nga ako nagkamali naging masaya kaming lahat sa oras niyang iyon.

     Hindi lang naman puro kakwelahan ang nangyari, May pina-iwan na gawain ang aming guro, kung saan gagawa kami ng  ng Tula kahit anong gusto naming aspeto ng tula, basta galing sa aming puso ang isusulat, natapos ko naman ito agad ng maayos.

Inay SalamaT :'(

      Ngayong araw na ito ay nagbalik aral na naman kaming muli sa akdang Ang Pamana at sa mga pinagagawa namin noong nakalipas na araw, ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa kundi ang pinagawa sa aming Liham Pasasalamat para sa aming ina o Magulang, marami naman akong nasulat kasi naging tahimik naman ang mga kaklase ko ngayon busy din sila ehh (Once in a BlueMoon lang yan :) kaya nakapag pokus ako sa aking ginagawa, naging masaya namana ako kasi natapos ko ng maayos, kaysa sa aking inaakala.  Salamat sa Diyos :)

Sarap Kumanta :O

     ngayong araw po na ito'y binalikan lamang namin ng konti ang tinalakay namin kahapon na patungkol nga sa Tulang Ang Pamana, napag usapan narin namin kung sino ang mas gusto namin ang aming nanay o tatay, para sa akin naman ang  gusto ko ang aking nanay dahil siya talaga ang pinakamalapit kong magulang sa akin, mahal ko rin naman ang aking ama kaso mas lab lab ko akong mudra no ?!!

      Pagkatapos ng konting chikahan, ay tinalakay na namin ang iniwang Takdang Aralin sa amin ng aming guro, na magsaliksik ng kanta para sa aming ina, Sa hindi namin Inaasahan ay nagkaroon kami ng pangkatan kung saan paramihan ng makakanta para sa ina na nagsilbi naming takdang aralin, ang grupo namin ang pangalawa sa may pinakamaraming nakanta pero, iisa lang naman kami ng Takdang Aralin, marami lang talaga kaming naisip na kanta para sa ina yung iba kahit kanino pwede na ;) (Mautak !).

     Naging napakasaya ng araw kong ito dahil mas nahubog ako na mahalin ko ng lubos-lubusan ang aking Ina :))

Mama Pamana :'(

     Nagyong araw na ito ay tinalakay namin ang Aming Takdang aralin na isang Tulang na pinamagatang Ang Pamana, sa una ko talagang titig sa pamagat nito ang akala ko, pamana na kayamanan ng diyos para sa ating mga tao ang gustong ipahiwatig ng kuwento ngunit, mali pala ako, ito pala'y patungkol sa isang anak na nagmamahal ng tunay sa kanyang anak, nakaka pusok sa damdamin ang akdang ito dahil marami sa aming mga mag~aaral ang talagang nakakaramdam ng tunay na pagmamahal ng Ina sa kanyang anak, talagang iaalay ng ina ang kanyang ang  sariling buhay para lamang sa anak nito. Sa talakayan namang ito'y lunha akong nasiyahan, isa pa, naintindihan at naliwanagan na ako sa tunay na diwa ng akda Ang Pamana ;)

Huwebes, Enero 9, 2014

MarKahan na naMan?!

      Ngayon araw ang aming ika-apat na markahang pagsusulit, naging maayos naman ang unang ng pagsusulit.  piling ko ang oinaka madali kong nasagutan ay ang asignaturang "T.L.E." (hehe ! hindi FILIPINO) kasi medyo nahirapan ako sa FILIPINO, lalo na asignaturang Ingles.

     Pag uwi ko sa bahay namin nalungkot ako bigla at naawa sa kapatid kong lalaki kasi kahit na may lagnat siya pumasok parin, dahil dito nag-aalala ako ng husto, parang halos ayaw ko na kumain, sa tuwing naalala ko na ang kapatid ko sobrang alala ako, kasi baka hindi kayanin ng katawan niya, ayoko taaga sa lahat yung magkakasakit ang mga kapatid ko, dibale ng ako ! wag lang sila. kaya pinagdadasal ko sila palagi (Pramis).
maski ang mama at daddy ko ayaw kong magkasakit
 
     Ngayong gabi palang din ako magbubuod ng mga kuwento, ito na rin ata ang huling BLog ko sa markahang ito...
"SANA MAGING MATAAS ANG MARKA KO SA FILIPINO III thank you Maam Mixto :* " :))



             Goodbye 3rd Grading :P

   

Miyerkules, Enero 8, 2014

Si Adong ? NamaleNgKe?

      Grabe! sobrang lamig, medyo napuyat ako sa lamig, kahit saan ka sumiksik pumapasok parin ang lamig, kaya nung pag gising ko, syempre super lamig :) halos ayaw ko na maligo. mga dalawampung minuto ako sa banyo na nakatalukbong sa twalyang mamasamasa pa ! hehe :! charot lang,bago ako nakaligo, kaya akala ni mudrabels mahigit tatlompung minuto akong nakababad sa parang nagyeyelong tubig.

       Pagkatapos nag sepliyo ako(Dame tar-tar :/ paranG Cream Of TartAr). at nagbihis naman, syempre naglakad papuntang paaralan, alam mo yung pakiramdam na habang naglalakad ka naginginig ka sa lamig, pati kasi hangin ang lamig talaga. dumating na ko sa silid namin, at medyo nawala na ang lamig medyo sinara ko muna yung bintana sa gilid ko para di na naman ako mangisay sa lamig.

     Masaya naman ngayong araw, sa oras ng filipino sobra, lagi ! sobrang saya, pero aral kung aral, muli naming tinalakay ang iba't-ibang uri ng tunggalian. at nagkaroon ng muling pagbabalik aral sa isang nobela na Noli me Tangere, binigyan narin kami ng Mahabang pagsusulit ng aming Guro naging masaya naman, at nataw ako nung nag wasto na kami nito dahil, nagkabaligtad ang ang sagot ng aking kakalase. Imbes na si Aling Marta ang namalengke si Adong ang nakalagay na kasagutan, at dapat si adong ang namatay, ngunit nakasaad sa kasagutan ng aking kaklase na si aling marta ang nasagasaan :) haha ! dami ko tawa dito mga trenta sagad Pramis :)

Martes, Enero 7, 2014

Lakas maka #Barbie :))

      Napakasaya ng araw na 'to, sa totoo lang hindi ko talga inaakala na maganda ang MOOD ko ngayong araw, kasi marami pa kong gagawin, kaya hindi muna ko masyadong tatawa. Ang dami ko pang proyekto na gagawin, dahil hindi ko pa nagawa nung mga panahong bakasyon pa. Kaya ngayon gahol-gahol ako sa oras, at lubos kong pinag sisihan kung bakit hindi ko pa ginawa ang mga ito noong bakasyon.

     Sa kabila ng pagiging "haggard" ko, naging masaya ako dahil, sa mga taong nakapaligid sa akin. Katulad na lamang ng mga kaibigan ko, natatawa lang ako kasi, kung saan-saan namin nahuhugot yung mga sinasabi namin. nataw ko nang todo kase itong isa kong jaibigan na tawagin na natin sa pangalang NICO PAGSUYUIN, sabi ba naman bigla sa akin ang lakas ko daw maka BARBIE ako naman 'tong si baliw todolicious sa halakhak factor.

     yun masaya kami sa oras ng filipino at mas lalo pang nadag dagan ang ang aming kaalaman, pinag aralan namin ang SIMBOLO, tao laban sa tao, tao laban sa sarili, at tao laban sa lipunan, hindi ko na siya mapapaliwanag ng maiigi, dahil alam kong alam ko na. hahaha :) BYEE :)