Lunes, Enero 20, 2014

Waley si Maam :]

     Ngayong araw ay wala ang Aming pinakamamahal na guro sa asignaturang Filipino na si Gng; Mixto pati na rin ang kanyang pinakamamahal na asawang si Ginoong; Mixto kaya naman, ang pumalit muna sa kanila ay si Sir Lawrence Ferrer (Kala niyo ligtas? hinde!). Hindi naman ako natatakot kay sir (Matapang2x.) kasi alam kong kalog din siya :) hahaha. hindi nga ako nagkamali naging masaya kaming lahat sa oras niyang iyon.

     Hindi lang naman puro kakwelahan ang nangyari, May pina-iwan na gawain ang aming guro, kung saan gagawa kami ng  ng Tula kahit anong gusto naming aspeto ng tula, basta galing sa aming puso ang isusulat, natapos ko naman ito agad ng maayos.

Inay SalamaT :'(

      Ngayong araw na ito ay nagbalik aral na naman kaming muli sa akdang Ang Pamana at sa mga pinagagawa namin noong nakalipas na araw, ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa kundi ang pinagawa sa aming Liham Pasasalamat para sa aming ina o Magulang, marami naman akong nasulat kasi naging tahimik naman ang mga kaklase ko ngayon busy din sila ehh (Once in a BlueMoon lang yan :) kaya nakapag pokus ako sa aking ginagawa, naging masaya namana ako kasi natapos ko ng maayos, kaysa sa aking inaakala.  Salamat sa Diyos :)

Sarap Kumanta :O

     ngayong araw po na ito'y binalikan lamang namin ng konti ang tinalakay namin kahapon na patungkol nga sa Tulang Ang Pamana, napag usapan narin namin kung sino ang mas gusto namin ang aming nanay o tatay, para sa akin naman ang  gusto ko ang aking nanay dahil siya talaga ang pinakamalapit kong magulang sa akin, mahal ko rin naman ang aking ama kaso mas lab lab ko akong mudra no ?!!

      Pagkatapos ng konting chikahan, ay tinalakay na namin ang iniwang Takdang Aralin sa amin ng aming guro, na magsaliksik ng kanta para sa aming ina, Sa hindi namin Inaasahan ay nagkaroon kami ng pangkatan kung saan paramihan ng makakanta para sa ina na nagsilbi naming takdang aralin, ang grupo namin ang pangalawa sa may pinakamaraming nakanta pero, iisa lang naman kami ng Takdang Aralin, marami lang talaga kaming naisip na kanta para sa ina yung iba kahit kanino pwede na ;) (Mautak !).

     Naging napakasaya ng araw kong ito dahil mas nahubog ako na mahalin ko ng lubos-lubusan ang aking Ina :))

Mama Pamana :'(

     Nagyong araw na ito ay tinalakay namin ang Aming Takdang aralin na isang Tulang na pinamagatang Ang Pamana, sa una ko talagang titig sa pamagat nito ang akala ko, pamana na kayamanan ng diyos para sa ating mga tao ang gustong ipahiwatig ng kuwento ngunit, mali pala ako, ito pala'y patungkol sa isang anak na nagmamahal ng tunay sa kanyang anak, nakaka pusok sa damdamin ang akdang ito dahil marami sa aming mga mag~aaral ang talagang nakakaramdam ng tunay na pagmamahal ng Ina sa kanyang anak, talagang iaalay ng ina ang kanyang ang  sariling buhay para lamang sa anak nito. Sa talakayan namang ito'y lunha akong nasiyahan, isa pa, naintindihan at naliwanagan na ako sa tunay na diwa ng akda Ang Pamana ;)

Huwebes, Enero 9, 2014

MarKahan na naMan?!

      Ngayon araw ang aming ika-apat na markahang pagsusulit, naging maayos naman ang unang ng pagsusulit.  piling ko ang oinaka madali kong nasagutan ay ang asignaturang "T.L.E." (hehe ! hindi FILIPINO) kasi medyo nahirapan ako sa FILIPINO, lalo na asignaturang Ingles.

     Pag uwi ko sa bahay namin nalungkot ako bigla at naawa sa kapatid kong lalaki kasi kahit na may lagnat siya pumasok parin, dahil dito nag-aalala ako ng husto, parang halos ayaw ko na kumain, sa tuwing naalala ko na ang kapatid ko sobrang alala ako, kasi baka hindi kayanin ng katawan niya, ayoko taaga sa lahat yung magkakasakit ang mga kapatid ko, dibale ng ako ! wag lang sila. kaya pinagdadasal ko sila palagi (Pramis).
maski ang mama at daddy ko ayaw kong magkasakit
 
     Ngayong gabi palang din ako magbubuod ng mga kuwento, ito na rin ata ang huling BLog ko sa markahang ito...
"SANA MAGING MATAAS ANG MARKA KO SA FILIPINO III thank you Maam Mixto :* " :))



             Goodbye 3rd Grading :P

   

Miyerkules, Enero 8, 2014

Si Adong ? NamaleNgKe?

      Grabe! sobrang lamig, medyo napuyat ako sa lamig, kahit saan ka sumiksik pumapasok parin ang lamig, kaya nung pag gising ko, syempre super lamig :) halos ayaw ko na maligo. mga dalawampung minuto ako sa banyo na nakatalukbong sa twalyang mamasamasa pa ! hehe :! charot lang,bago ako nakaligo, kaya akala ni mudrabels mahigit tatlompung minuto akong nakababad sa parang nagyeyelong tubig.

       Pagkatapos nag sepliyo ako(Dame tar-tar :/ paranG Cream Of TartAr). at nagbihis naman, syempre naglakad papuntang paaralan, alam mo yung pakiramdam na habang naglalakad ka naginginig ka sa lamig, pati kasi hangin ang lamig talaga. dumating na ko sa silid namin, at medyo nawala na ang lamig medyo sinara ko muna yung bintana sa gilid ko para di na naman ako mangisay sa lamig.

     Masaya naman ngayong araw, sa oras ng filipino sobra, lagi ! sobrang saya, pero aral kung aral, muli naming tinalakay ang iba't-ibang uri ng tunggalian. at nagkaroon ng muling pagbabalik aral sa isang nobela na Noli me Tangere, binigyan narin kami ng Mahabang pagsusulit ng aming Guro naging masaya naman, at nataw ako nung nag wasto na kami nito dahil, nagkabaligtad ang ang sagot ng aking kakalase. Imbes na si Aling Marta ang namalengke si Adong ang nakalagay na kasagutan, at dapat si adong ang namatay, ngunit nakasaad sa kasagutan ng aking kaklase na si aling marta ang nasagasaan :) haha ! dami ko tawa dito mga trenta sagad Pramis :)

Martes, Enero 7, 2014

Lakas maka #Barbie :))

      Napakasaya ng araw na 'to, sa totoo lang hindi ko talga inaakala na maganda ang MOOD ko ngayong araw, kasi marami pa kong gagawin, kaya hindi muna ko masyadong tatawa. Ang dami ko pang proyekto na gagawin, dahil hindi ko pa nagawa nung mga panahong bakasyon pa. Kaya ngayon gahol-gahol ako sa oras, at lubos kong pinag sisihan kung bakit hindi ko pa ginawa ang mga ito noong bakasyon.

     Sa kabila ng pagiging "haggard" ko, naging masaya ako dahil, sa mga taong nakapaligid sa akin. Katulad na lamang ng mga kaibigan ko, natatawa lang ako kasi, kung saan-saan namin nahuhugot yung mga sinasabi namin. nataw ko nang todo kase itong isa kong jaibigan na tawagin na natin sa pangalang NICO PAGSUYUIN, sabi ba naman bigla sa akin ang lakas ko daw maka BARBIE ako naman 'tong si baliw todolicious sa halakhak factor.

     yun masaya kami sa oras ng filipino at mas lalo pang nadag dagan ang ang aming kaalaman, pinag aralan namin ang SIMBOLO, tao laban sa tao, tao laban sa sarili, at tao laban sa lipunan, hindi ko na siya mapapaliwanag ng maiigi, dahil alam kong alam ko na. hahaha :) BYEE :)

Lunes, Enero 6, 2014

PasuKan MulI hehe :]

     Medyo Excited, pero naiinis, kasi itong mudrabells ko? nag alarm ako ng 4:00 ng umaga nagising ba naman ako 5:30 ?! haha patawa? paano ba naman kasi ;< nag alarm ako ? naka-Vibrate lang pala ang Selpon!? yan nag vibrate lang siya pero di tumunog, OLAY! yun tuloy di ako Naligo? Lunes na lunes? walang ligo ang fess :) pero okay lang kasi, makikita ko na namang muli ang mga kalandian ko :) hahaha.


     Siya nga pala ito pa! di ko pala pinasa yung NOTEBOOK ko sa chemistry kasi walang kasulat-sulat.
yun sabi ni maam na hanggang ngayon nalang, gahol na naman! ayy! nagsulat ako ng nagsulat :) pero salamat sa diyos kase nagawa ko naman siya, hanggang matematika na asignatura na namin bago ko natapos(buti nalang hindi umabot ng FILIPINO, ayy kung umabot?? lagot!). tas yun nung break pinasa ko pero, pinabalik ni Maam Manlagnit kasi daw dapat ako ang magsulat ng mga SEATWORK ko sa apat na bahagi ng papel.

     Yun! FILIPINO na! pumwesto ako dun sa pinaka harap na upuan kasi, bokod sa mainit, di ko pa marinig ang pinag- chichika ni maam sa amin, tapos bigla akong sinita ni Maam Mixto. natakot ako ng very wel! kasi baka wala siya sa MOOD :S pero gusto lang pala niyang malaman kung bakit nandun ako :) sinabi ko naman kung bakit. nagbalik aral kami ng konti, tapos binigyan kami ng gawain ni Maam, na gumawa ng REPLEKSYON, dahil nga lumipas na o iniwan na namin ang taong 2013 (malas!) sa repleksyong iyon pinagawa ilalathala namin yung mga pinag-gagagawa namin nung nakalipas na taong iyon :) kumbaga magbabalik tanaw kami, isa pa dapat nakasaad sa REPLEKSYON, kung ano-anong mga bagay ang babaguhin namin, para sa bagong taong ito.

     Alam mo yung pakiramdam na isang HIMALA! tumahimik kaming lahat. kaya naman nakagawa ako ng maayos. masaya kami kasi ang KALOG ni Maam (Pramis!?). tapos tinanong kami ni Maam kung sinu ang marunong mag edit sa PHOTOSHOP, tapos ako sinasabi ng mga kamag-aral ko.

     tapos nag uwian na at sinabi ni maam kung anu yung gagawin kong pag eedit eh! sa diyaryo ata ng paaralan namin yun, bigla kong nakita si BRITE at tinawag ko at sinabi ko pumunta siya kay maam, siya nalang ang gagawa dahil, mas magaling siya sa akin at mas may oras :)

Sabado, Enero 4, 2014

PutukaN na :O

     Bisperas na ng :) BagOng Taon! putukan na ! grrrr! ito na yung pinaka kinakatakutan kong selebrasyon :'(  pero masaya naman, kase sa gabi na tayo mag Focus :) habang gumagabi, parami rin ng parami ang nag papaputok, andami ko ring nakikitang bata na nagpapaputok mas marami pa! samantalang ako since-birth di pa humahawak ng paputok at takot talaga ako sa paputok :') isa pa dapat ngayong araw na 'to hindi ako papasok sa trabaho, dahil ayokong palabas-labas pa, dahil marami ngang paputok, pero kailangan kasi para may pera ko, para salubungin ko ang bagong taon ng may pera.

       Dumating na ngang muli ang papa ko ! galing sa trabaho, umiglip muna siya para makapag pahinga, maya-maya pa'y umiglip na rin ang mama ko at ang bunso kong kapatid, nagsulat-sulat at nagmuni-muni muna ako, at umiglip rin sandali, dumating naman ang kapatid kong galing sa galaan kahit gabi parin.
ng nadatnan niya kaming tulog na natulog na din siya,  at sa wakas nakatulog na kaming lahat! sabay-sabay din na humihilik ang aming mga puwet :))

         Ng makaramdam nako, at magising wala pa namang alas doze nun kaya lumamon muna ko, ng handa naming Hotdog,ham,spaghetti,biko,pancit atbp. (kame na?! hahaha) maya maya nagising narin ang kapamilya ko :) inantay lang naim ng mga 15 mis. at malapit ng mag countdown hiiiiii! excited na ko dahil maraming fireworks sa harap ng bahaya namin, dahil over looking ang harap ng bahay naim dahil mataas.


 maya-maya pa'y nag countdown na sa telebisyon nf 10,9,8,7,6,5,4,3,2,1 ! "Happy New Year" at talon talon kami ng kapatid ko, halikan naman sa cheeks ! beso-beso (Pang plastik!) ok lang walang plastikan pamilya kami no! hayyy! sinalubong ko  na naman ang bagong Taon, ng masya kasama ang buo kong Pamilya! MABUHAY!

Parang? paulet-ulet?!

      Bisperas na ng Bagong Year Bukas ! handa ka na ba? kami nag paplano palang, plano lang ahh !?
yun gumising na naman, thank you kay god! at nagising pa ako ngayong araw :) nang maghapon na pumunta na naman yung mga kaibigan kong si NICO  at LHIA bakla. gumala na naman kami kuns saan-saang lupalop ng Siruna :*

      Hanggang sa mapago kami kakalakad at makaisip ng umuwi, kumain ako tapos maya maya pa'y natulog na kasi bukas Bisperas na ng Bagong Taon.

Wala lang ?

       Malapit na ang Bagong Taon! sana magbagong buhay na po tayo :) masaya naman ngayong araw pwede na sa totoo lang wala akong masulat sa blog na 'to kasi wala naman akong masyadong ginawa nagtrabaho lang ako, tas natulog yun lang :)) hihihih

hayyy ! OLAY ;[

      Nakakabwisit na araw ! kasi naman 'tong kapaTid ko ? ang aga-aga? kakagising ko palang away na agad ang hinahanap, yan kaka suntok sakin, nakatikim ng SAGPAON(sampal) sa feslak niya ;(
ayoko ko pa naman ng binibwisit ako.

      pagkagising ko, away kami ng kapatid ko, tapos naligo at nagbihis, tapos pumasok na sa trabaho ko sa COMSHOP, masaya sa computer shop, malalandi ang kasama ko katulad ni JAO at ni PAO.

WayA na? Taput na :[

      Balik sa normal ang araw! ang naiba lang wae pasok kaya? so boring! haaaaaaa :O  sana may pasok na ulit :((

      ehh, ang tagal pa mahigit dalawang linggo pa bago mag pasukan :) hayyy! OLAY :)

yun ngayong araw wala naman akong nagawa :(

wala na ! ayawan na ! di na masaya! ummmm :(

OFficially Pasko na!

     Ngayon nga ay araw na ng pasko, mga 9:00 ng umaga na ako nagising, sapagkat napuyat ako kagabi, kagagala kasama ang aking mga kaibigan, pero masaya :)) hahaha! Pasko na! Maligayang pasko sa inyong lahat! ikinagagalak ko na magbasa ka sa aking pinakamamahal na blog :)) ng ako'y magising agad ako'y naligo, este ! nag-almusal muna :) pagkatapos ay naligo, pinaligo ko narin ang aking kapatid na si cholo para mabilis na kaming maka alis, dahil pupunta kaming dalawa sa aking tita' para mamasko, taon-taon ay ginagawa namin itong magkapatid dahil nireregaluhan kami ng aming tita na taga CAINTA.

      pag uwi ko agad na umalis din sa bahay dahil aalis na naman kami nila JAO at PAO papuntang recto upang mamili na namang muli. kase naman (Pulube ung mga Tinda sa MArikina) kaya sa tingin ko kung sa recto? maraming mura :)

      Sumakay kami ng jeep papuntang LRT sa Santolan, pag sakay namin doon, kumuha kami ng card papuntang recto na ruta, then pagbaba namin sa recto, sakay naman kami jeep papunta ng divisoria tapos, bumili na kami ng kung ano-anong pampalandi, mga 4 na oras kaming paikot-ikot sa divisoria, nang pauwi na kami naisipan namin na muling bumalik sa Marikina, para tumingin muli ng kung ano-ano, halos kabisado na nga namin yung sinasabe ng ibang tindero doon (oh! sampung piso lang! lahata ng klas, sampung piso lang!) hahaha ! saya no?

     nakauwe na kami super pagod mga 10:30 na ata ng gabi yun, grabe parang sa pagtulog ko ayaw ko nang gumising, sa sobrang pagoda ng lola niyo. naging masaya at naging makabuluhan ang araw ko nagyon!
kaya maraming maraming ! Salamat sa mga naranasan at nakasama ko ngayong araw :)

Biyernes, Enero 3, 2014

Bisperas ng PaskonG kaY SayA :]]

     Bisperas na ng pasko at Sabik na sabik na akong salubungin ito, sabik  na rin akong mag malandi nagyong araw napag-usapan kasi naming tatlong magkakaibigan na sina Jao at Xiophao na pumunta sa marikina upang bumili ng pang regalo.

      Yun nasa bahay muna 'ko hanggang mag landian factor muna kami ng mga kapatid ko, isa pa inaantay rin naming mag-iina ang pagdating ng papa galing sa trabaho, dahil inaasahan namin na may mga dala siya para sa "Noche Buena"  tapos mga hapon, pumunta naman ang dalawa ko ring kaibigan na sina: Lhia at Nico.
kaya napag isip-isip ko na gumora muna sa labas, hanggang gumabi umuwi na ko, at inantay na namang muli ang aking daddy(Daddy daw? ansave?) pero medyo dinalaw ako ng kalungkutan kasi nagtext siya na hindi siya  sigurado kung makakarating siya mamaya.

      natulog na kami ng mama ko, maya-maya mga 10:30 ng gabi dumating na nga ang papa ko dala dala ang mga handa namin, at may dalang laruan para sa dalawa kong kapatid, pero, ako, wala. ayos lang! naman sa akin yun ang mahalaga'y sama-sama kami buonmg pamilya sa darating na pasko. at yun nga ang pinaka hihintay ko, sinalubong naming masaya ang pasko ng sama-sama.

      Mga bandang 12:35 ng madaling araw biglang dumating ang kaibigan kong sina JAO at XIOPHAO, at pupunta na nga kami sa "Marikina" para gumala at bumili ng mga pang regalo para kinabukasan.
masaya kasi puro tawanan, at isa pa makikita mo sa mga ngiti at mata ng mga taong pumupunta dun ang tunay na diwa ng kapaskuhan. kahit na siksikan dahil marami rin ang namimili go ! og ! lang kami, (dudukot kami sa mga bulsa nila) ! keme! kase nga andun na kami alangan namang dahil lang doon uuwi na kami?! Famous? maganda ba? hahaha! super nakakatawa talaga yung gabing yun, hindi ko makakalimutan. ito na rin ata ang pinaka mahabang blog ko :) hahaha! alam na?!


  Nakauwe na kami mga 4:30 na ng umaga, super antok na sila, pero ako hinde pa masyado.
pag-uwi namin jooga-lamon  na naman kami. hahaha (mag LBM) na ko kakakain :O  pero ang saya tlaga ehh. wala na akong masabe. What a Wonderful Christmas tome :) (oii! bawal mag english).

Gala-GaLa din :]

         hehhe! ang saya :))  gumising ako maaga, ang sarap sa pakiramdam pag gumising ka at agad tumayo ng tuwid,  kase ginaganahan kang kumilos sa bahay, ayun! natulog akong tanghali at nagising.

         maya-maya dumating yung mga federasyon ko! my godness! mga kabog! gala agad ang hanap pag punta na pag punta palang :)) yun naka ramdam si mudra :)) pero pinayagan naman ako kasi nagpaalam naman. pagka gala namin, kung saan-saan kami napunta pero "Walking distance" lang :) sa paggala naming yun o sa mga napuntahan naming iba't-ibang tahanan, marami ang nag imbinta samin na pumunta kami sa kanila sa araw ng "Pasko"

Salamat BRO!

     Siya nga pala ! naalala ko -__- malapit na pala ang Pasko! (piling excited?!) hindi noh!
paano kong magiging excited eh! ang laki ko na wala nang "Ninong at Ninong" ang magbibigay saken ng pamasko, isa pa taghirap ngayong taon, kaya naiintindihan ko rin kung wala akong matatanggap ngayong pasko.

     Medyo masaya naman 'tong araw na itu kase nakikipag landian ako ng very well, sa mga kapatid ko.
isa pa naisip ko na kumilos sa bahay, kaya marami akong nagawa sa araw na to. gayunpaman Salamat sa Diyos at nagising pa ko :* muwahh !

Bowowow -_-

     hayy! kung ano namang sinaya kahapon noong Christmas Party namin, ngayon naman kasing lungkot ng araw ko ngayon :'( hayy! ang boring dito sa bahay. ito na nga ba ang sinasabe ko ee! gusto ko talaga laging may pasok, parang iniisip ko halos wala din akong mailagay sa blog kong 'to.

     Puro lang po kasi kain, bangon, gising, lamon tulog! Bow~

DiamOnd :)) Parte-Partey ^_^

    Napakasaya ng araw na ito para sa aking, hindi lang naman para sa akin kundi sa lahat ng mga mag-aaral ng "Mambugan".  panu ba naman "Pasko Party" namin ngayong araw! una inisip ko mag papa late ako? para famous ang dating ko sa room namen(jejeje kemerot lang fu ;">) basta ! naisip ko lang, by the wey :)) yun nga dumating na kameng lahat, tapos nag salita ang aming presidente na super duper pustora ng very-well !
pagkatapos ang napaka simple naming gurong tagapayo na si maam Manlagnit, na kahit party na nagsusulat parin(Siguro,i bawat pangyayari sa party sinusulat niya? panu yun? nahuli niya ko nangulangot?! lagot!)


 Lalo pang sumaya! nag palaro ang presidente namen, ang pinaka gusto ko, ung hahanapin mo ung kendi gamit ang bibig mo sa bulubunduking harina?! ay! join talaga ko! nakakatuwa kase halos masuka na ko kaka-ubo sa harina, at ang bespren kong si NICO PAGSUYUIN. 'to pa nga yung mukha niya oh!
dIba? ang barbie-barbie? ahhaha.. yun naging masaya ng todo-todo! at ako pa nga ang may pinakamalaking regalong natanggap sa buong diyamante! hayy! di ko makakalimutan ang okasyong 'to sa tanang Life ko ;))

Warak na ! po :3

     hahaha! napakasaya ng araw na ito para sakin, kase ito na pinaka hihintay naming tatlong mga beki, Ang Mambugan Idol, yun nga! nangyari na (my gosh!) syempre sa araw na 'to pinakita namain ang iba't-ibang talento sa bawat taon, kami na kabilang sa ikatlong taon ay nag sagawa ng sayaw upang mapasaya namin ang buong mag-aaral ng Mambugan at ang mga guro puno-guro namin.

     Ito ang nais kong i-blog sa inyo ;< sumayaw kami ng makabago at nakakaindak na pagsayaw, ang naiba lang sa sayaw namin, pang malandi talaga, tapos nung sumayaw na kami doon ko talaga nilubos/binuhos lahat ng lakas ko para talagang malaki ang posibilidad na manalo kami. Diyos ko po! halos mawarak na si "Junior" kaka-split ko, at halos mabali na ang katawan ng mga kaibigan ko kaka-bending.

       gayunpaman, naging masaya ang naman ang araw na ito, kahit na hindi kami nanalo basta, masaya kami sa anong pinakita naming talento sa aming nga kamag-aral,guro at ibang tao.